(Amas, Kidapawan City/July 26, 2012) ---Seryoso
ngayon si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa kampanya nito na
masawata ang anumang kriminalidad sa probinsiya matapos na lagdaan nito ang
Executive Order No. 18.
Ang nasabing batas ay hinggil sa mga polisiya
at batayan ng pag-iimplementa ng Land Transport Terminals Security System o
LTTSS.
Sa kanyang mensahe kaninang umaga sa harap
ng mga stakeholders ng nasabing batas, iginiit ng opisyal na dapat lahat ng mga
alkalde sa lalawigan ng North Cotabato kasama na ang mga hepe ng kapulisan ang
pangunguna sa pagpapatupad ng nasabing batas na nilagdaan ngayong araw sa
Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City.
Kaugnay nito, binigyang diin ng gobernador
ang pagbabawal na mag-pick up ng sinumang mananakay ang mga pampasaherong bus
at Van sa mga National Highways, maliban na lamang sa mga terminals, ito upang maiwasan ang anumang planu ng mga
masasamang loob na magsagawa ng kriminalidad.
Tiniyak naman ni Mendoza, na wala umanong
matatanggap mula sa gobyerno na tulong ang sinumang bus o Van drivers o
operators sakaling may mangyayaring di maganda sa kanilang mga pasahero sa oras
na lumabas sa imbestigasyon ng mga pulisya na pumara ng pasahero ang mga
natukoy na sasakyan sa mga National highways.
Samantala, mananagot naman ang sinumang LGU
sakaling malusutan pa rin ng mga masasamang loob ang mga pampasaherong sasakyan
gayung sinusunod naman ng mga drivers ang panukalanag station to station sa
paghahatid ng mga pasahero.
Ginawa ng punong ehekutibo ng probinsiya ang
babala para maghigpit ng seguridad sa mga terminals ang mga otoridad sa suporta
na rin ng mga lokal na opisyal sa bawat bayan.
Pero sa puntong ito, tutulong na dito ang
provincial government sa danyos at pagpapa-ospital sa mga biktima.
Ang Land Transport Terminals Security System
o LTTSS ay kauna-unahan at nag-iisang batas sa bansa na nagreregulate sa mga
land transportation na sakop ng probinsiya ng North Cotabato.
Nabuo ang nasabing LTTSS matapos ang
nangyaring madugong Rural Bus Bombing sa Brgy. Dalapitan, sa bayan ng Matalam
noong Oktubre a-21, 2010 na ikinamatay ng maraming pasahero at ikinasugat ng
ilan pa.
Kaugnay nito, dapat umanong masangkot ang
bawat alkalde ng bayan sa pagpapanatili ng peace and order ng bawat munisipyo.
Tinukoy rin ni Governor Mendoza ang bayan ng
Kabacan na dapat ay lalo pang paiigtingin ang pagpapatupad ng security measures
dahil sa nangyayaring sunod sunod na patayan.
Wika pa nito, na maliban sa dapat ay
palakasin ang terminal kungsaan dito nakakalikom ng malaking revenue ang bawat
munisipyo ay dapat ding mananatili ang peace and order sa Poblacion sa tulong
ng pagbabantay ng mga pulisya, sundalo at mga Barangay Peace Keeping Action
Team o BPAT.
Tatapatan ng gobernador ang anumang programa
ng alkalde kung pagtutuunan nito ng pansin ang pagpapanatili ng katahimikan at
kaayusan sa munispyo na kanyang nasasakupan.
Ang MOA singing ng nasabing executive order
ay pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza, Board
member Ernesto Concepcion, chairman ng committee on Human Rights, Peace and
Order sa Sangguniang Panlalawigan, Focal Person ng LTTSS Mr. Reynaldo Campo
kungsaan sinaksihan ng mga stakeholders mula sa pulisya na pinamumunuan ni
Cotabato Police Provincial Director P/SSUPT. Cornelio Salinas, kasama ang lahat
ng mga chief of Police ng bawat munisipyo, militar na pinamumunuan ni 602nd
Commanding Officer Col Ceasar Sedillo, ilang mga alkalde, mga nasa transport
sector, media, LTO at LTFRB heads at iba pa. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento