(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 18,
2013) ---Hinarass ng mga di pa nakilalangmga salarin ang ilang mga estudyante
na kumukuha ng kanilang pagsusulit sa USM Men’s dorm kaninanag umaga.
Ayon kay Prof. Marc Monderin, inagaw at pinunit
ng mga nangharass na mga naka itim na mga kalalakihan ang test paper ng
kanyangmga estudyante.
Nagsagawa kasi ng examinations ang guro sa
labas ng Campus, ito dahil si di sila pinapasok kanina dahil sa muling
pagsasara ng mga raliyesta sa lahat ng mga lagusan ng Pamantasan.
Bagama’t nakapasok ang ilang mga guro at
estudyante, marami sa mga estudyante at di nakatuloy na kumuha ang kanilang
final examinations.
Ang ibangmga guro ng College of arts and
Sciences na nag pa exams at hinarass din at inagaw ang kanilang mga test paper,
ito dahil sa kautusan umano ni USMFA Pres. Ronald Pascula, ayon sa report.
Itinanggi naman ni Pascual ang nasabing
paratang, wala silang deriktiba buhat sa kanilang core group na magsagawa ng
panghaharass.
Sa katunayan nilinaw ni PAscual na wala
namang sapilitan ang ginagawa nilang kilos protesta.
Umalma na rin ang ilang mga magulang sa
kasalukuyang sitwasyon ng unibersidad.
Bagama’t nagka tensiyon, pinawi naman ng mga
raliyesta na maging mapayapa ang gagawin nilang pagkilos sa Pamantasan na ang
nais ay pababain sa pwesto si USM Pres. Jesus Antonio Derije. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento