Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Hindi pag-tanggap ng CHED ng alok na Fact-finding committee ng FOOD, inalmahan ng mga raliyesta


(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 21, 2013) ---Umalma ngayon ang mga raliyesta sa hindi pag-tanggap ng Commission on Higher Education o CHED ng buuing fact finding committee ng Federation of Organization to Oust Derije o FOOD, dahilan ng muling pagsasara ng mga lagusan ng Pamantasan ngayong hapon.

Ito ayon kay Dr. Alimen Sencil, isa sa mga lider at tagapagsalita ng mga raliyesta, sa kabila pa man umano ng pagbibigay financial assistance ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza para tututok sa mga kasong kinakaharap ngayon ni Dr. Jesus Antonio Derije.


Kaninang umaga, binuksan ng mga raliyesta ang kanang bahagi ng USM Main gate dahil na rin sa suporta ng gobernador na bigyan ng ayuda ang fact finding committee. 

Pero, parang ayaw umanong tanggapan ng CHED ang nasabing hakbang, kaya muling isinara ng mga raliyesta ang lagusan para maiparating sa taas ang kanilang panawagan ngayong hapon.

Kung anu ang dahilan kung bakit di tinanggap ito ng CHED, wala pang alam ang kampo ng mga raliyesta, ayon kay Dr. Sencil.
Kaugnay nito, pinatsudahan pa ni Dr. Sencil ang CHED na walang isang salita sa kanilang naging hakbang.

Ang Federation of Organization to Oust Derije o FOOD ay binubuo ng mga faculty Association, non-teaching personnel ng USM, USM Hospital, Security forces, Alumni, Muslim Educators and alumni Association, Task Force sovereignty for Mindanao at Student leaders. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento