Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga mag-aaral ng USM, parang hostage dahil sa nagpapatuloy na gusot sa Pamantasan –ayon sa VPAA


(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 21, 2013) ---Tinawag ngayong hostage ang mga estudyante ng University of Southern Mindanao dahil sa gusot sa Pamantasan.

Ito ayon kay Vice Pres for Academic Affairs Dr. Antonio Tacardon, dahil sa muling pagkabalam ng eksaminasyon ng mga estudyante ngayong linggo.


Ayon sa opisyal naging biktima umano ang mga mag-aaral ng hostage dahil sa ayaw bumaba sa pwesto si Dr. Jesus Antonio Derije.


Para matuldukan ang lumalalang krisis na kinakaharap ngayon ng Unibersidad, kailangan umanong bumaba sa pwesto si Dr. Derije, ayon sa isa sa mga lider ng raliyesta na si Mr. William dela Torre.


Dipensa naman ng administrasyon, dapat dumaan sa proseso ang kanilang ipaglalaban para di ito mauwi sa baliwala.

Giit pa ni Dr. Antonio Tacardon na kung kontra ang mga ito sa pamamahala ng Pangulo, dapat umanong magsampa ng kaso at hintayin ang investigating body na mag-imbestiga dito.

Dagdag pa nito, na wag umanong gawing sangkalan angmga estudyante.


Pero, ang bwelta naman ng kampo ng mga raliyesta, binabaliwala umano ng CHED ang kanilang hakbang at kung tutugunin man ay mabgal umano ang kanilang sagot dito.
Hindi lamang umano minsan pero ilang beses na ring, walang tugon ang CHED, dito ayon kay Dr. Sencil.

Dagdag pa ng opisyal na nasa kanilang ahensiya ang problema dahil sa di umano inaatupag ng kanilang tanggapan ang request ng mga raliyesta. (Rhoderick Beñez)
                                                                                                                                                

0 comments:

Mag-post ng isang Komento