Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bote Bakal tumba sa riding in tandem sa Kabacan; 1 pa sugatan


(Kabacan, North Cotabato/ March 21, 2013) ---Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nito makaraang pagbabarilin sa National Highway, partikular sa Sitio Malabuaya, Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 3:25 kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Jonathan Pasquin nasa tamang edad, residente ng bayan ng M’lang.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng National Highway sakay sa isang tricycle lulan ang mga scrap iron buhat sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao ng pagbabarilin ng mga riding in tandem.

Nagtamo ang dalawang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Kritikal sa nasabing shooting incident si Pasquin na mabilis namang isinugod sa Kabacan Medical Specialist center.
Pero ayon sa pulisya, binawian din ito ng buhay makaraan ang ilang sandali habang sa mga oras na ito ay nagpapagamot naman ang isa pa nitong kasamahan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek.

Narekober sa crime scene ang 5 empty shell ng .45 na pistol na ginamit sa pamamaril.

Ito na ang ikalawang shooting incident ang naireport sa bayan ng Kabacan sa linggong ito.

Ang una, noong Martes ng gabi kungsaan pinagbabaril ang dating kapitan na si Boy Solomon at ang may bahay nito na si Virginia Solomon.

Maswerte namang nakaligtas ang dalawa makaraang pinaulanan ng dalawang suspek  na mabilis namang tumakas sakay sa isang kulay pulang Honda Wave papalayo papuntang USM Avenue.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad at isa sa mga sinusundan nilang motibo ay pulitika. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento