(Amas, Kidapawan City/June 19, 2012)
---Sama-samang nagtanim ng abot sa apat na libong seedling ng mga fruit-bearing
tree at iba pang specie ng mga puno ang itinanim ng mga pulis sa 3.7 ektaryang
bakanteng lote sa provincial headquarters ng Cotabato Provincial Police Office
sa Amas Complex, Kidapawan City.
Nanguna sa tree planting activity si
Sr. Supt. Cornelio Salinas, ang provincial director ng Cotabato PNP, katuwang
ang abot sa 300 mga pulis sa buong lalawigan.
Bahagi raw ito ng ika-114 na
anibersaryo ng Araw ng Kalayaan na dapat ay noong June 12 isinagawa pero
naudlot dahil sa masungit na panahon.
Sinabi ni Chief Inspector Bernard Tayong, ang head ng
police community relations ng Cotabato PNP, na ang tree planting activity nila
noong Sabado ay bahagi ng kanilang kontribusyon sa kampanya ng gubyerno na
pangalagaan ang kalikasan. (MCM)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento