(Pikit, North Cotabato/June 22, 2012) ---Maswerteng
nakaligtas matapos makuryente ang isang 30-anyos na lalaki kahapon ng hapon sa
Pobalacion, Pikit, Cotabato.
Ang biktima ay nakilalang si RandyFernandez
Managit na resident eng Pioneer St., ng nabanggit na bayan.
Ayon sa report kasalukuyang nagpapanday ang
naturang biktima ng bigla niyang nakalabit ang isang linya ng kuryente sa
ikalawang palapag ng pinapanday nitong tindahan.
Dagdag pa ng ibang nakakita, ilang minute din
itong nakipaglaban sa kuryente at tumilapon lamang ito ng maisispan ng kanyang
kasamang panday na itulak ito sa pamamagitan ng kahoy na kanila sanang ikakabit
sa inaayos na tindahan.
Agad namang dinala sa Cruzado medical clinic
ang biktima para mabigyan ng medical na atensiyon.
Nasunog naman ang ilang bahagi ng katawan
nito.
Hanggang sa ngayon ay nagpapgaling ang
biktima sa nasabing bahay pagamutan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento