(Kabacan, North Cotabato/June 23, 2012) ---Abot
sa daan-daang mga motorsiklo at sikad na may paglabag sa batas trapiko ang
hinuli ng otoridad sa isinagawang “Oplan Lambat Bitag” sa mga pangunahing kalye
ng Poblacion, Kabacan kahapon ng umaga.
Nanguna sa nasabing operasyon ang mga
elemento ng Kabacan PNP na pinamumunuan ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan
PNP, Supt. Alex Tagum ng Cotabato Police Public Safety Company, Kidapawan PNP,
Carmen PNP at iba pa.
Ang mga naka-impound na motorsiklo ay may
paglabag sa batas trapiko kagaya ng “No Helmet no Travel Policy”, walang
registration o lisensiya at mga expired ang driver’s license.
Ayon sa opisyal may nahuhuli din silang mga
sundalo, brgy opisyal at ilang mga
kawani ng gobyerno na may mga paglabag na isinasaad ng batas trapiko.
CPPSC Supt. Alex Tagum |
Bukod dito, inaresto naman nila si Brgy.
Kayaga Kagawad Mustapha Landasan matapos na makitaan ng isang 9mm handgun na
may mga live ammos.
Si Landasan ay hinuli sa Corner corner Roxas
at Quirino St., Poblacion kabacan habang kasagsagan ng higway inspection
hinggil sa operasyon lambat bitag dahil sa paglabag sa illegal possession of
fire arms, ayon kay Supiter.
Sinabi pa ni Supiter na ipinapatupad lamang
nila ang batas trapiko partikular na sa mga bumibiyahe na walang mga helmet at
lisensiya, kungsaan marami pa rin sa mga ito ay nandito sa Kabacan, ito dahil
sa naging maluwag ang mga otoridad sa pag-papa-implemanta ng batas sa Kabacan.
Sa ngayon ang ilang mga nahuli ay
isinailalim sa masusing imbestigasyon para alamin kung ang mga gamit na motor
ay carnap o mga pinaghihinalaang riding in tandem na mga hired killer.
Bagama’t ayon kay Supt. Tagum, negatibo sa
mga illegal possession of fire arms at illegal drugs ang pinagdududahan nilang
mga nahuli sa nasabing violations di naman silang maghihinto para masawata ang
anumang krimen sa bayan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento