Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 50 na mga establisiemento sa Kabacan, nakatanggap ng 1st offense hinggil sa paglabag sa ordinance No. 2011-008

(Kabacan, North Cotabato/June 20, 2012) ---Simula ng ipinatupad ng pamahalaang lokal ng bayan ng Kabacan ang ordinance no. 2011-008 o ang pagbabawal at pagreregulate sa paggamit ng plastic, abot na ngayon sa mahigit sa 50 na mga establisiemento ang nakatanggap ng unang pinalidad.


Ito ayon kay Municipal Environment and Natural Resources Officer Jerry Laoagan dahil sa patuloy na paggamit ng mga ito ng plastic na siya namang ipinagbabawal sa batas.

Karamihan sa mga lumalabag dito ay ang mga nagtitinda sa Kabacan Public Market.kaugnay nito, hinikayat naman ni Laoagan ang mamamayan na magdala ng bayong tuwing mamimili.

Sinabi pa ng opisyal na isinama na rin nila sa hanay ng mga wet goods ang gulay.

Kung mamantaan noon pang Agosto ng nakaraang taon pormal na inilunsad ang pagbabawal at pagreregulate sa paggamit ng plastic sa bayan ng Kabacan na kauna-unahan sa probisiya ng North Cotabato.

Samantala, naka-schedule naman tuwing Martes ang paghahakot ng basura sa Plang Village, ito makaraang ireklamo nila na matagal umanong buwan na di nahahakot ang kanilang mga basura.
Ito dahil ang naturang erya ay sakop umano ng brgy Poblacion.

Pero mag-iisang taon na, simula ng masira ng garbage compactor ng brgy Poblacion hanggang ngayon ay di pa rin ito nagagamit.

Ang paliwanag kasi ng pamunuan ng brgy. Poblacion ay ginagawa nila ang total repair sa naturang garbage compactor, kaya hindi nila batid kung kailan ito matatapos.

Kaya perwisyo ito sa mga residente na maliliit ang mga kalye na di mapasok ng dumptruck ng MENRO. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento