Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Most wanted Notorious kriminal sa Kabacan at kalapit lugar; huli ng Kabacan PNP, suspek idinadawit sa mga shooting incident sa bayan

Anwar Dagem
(Kabacan, North Cotabato/June 19, 2012) ---Arestado ang isang pinaniniwalaang most wanted criminal sa Kabacan at mga kalapit na bayan sa pinagsanib na operasyon ng mga elemento ng Kabacan PNP at Cotabato Police Public Safety company alas 12:30 kahapon ng tanghali sa mismong kinukutaan ng grupo sa Brgy. Magatos ng bayang ito.

Nanguna sa isinagawang operasyon ng otoridad si Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP kungsaan naaresto nila ang isang Anwar Dagem, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.

Nabatid na ang nasabing armadong grupo ay may planu sanang magsagawa ng pang-hohold-up sa mga pampublikong sasakyan noong nakaraang gabi, ayon kay Supiter.

Si Anwar ay nahuli ng mga kapulisan sa Brgy. Magatos, isang lugar sa Kabacan na sinasabing kinukutaan din na mga taga-gawa ng Improvised Explosive Device o IED, ayon sa isang mataas ng opisyal ng pulis.

Natunugan naman ng nasabing grupo ang pagdating ng mga pulisya sa lugar dahilan kung bakit mabilis na nagsipulasan ang mga ito, nanlaban pa ang mga armadong grupo sa mga pulis habang papatakas.

Narekober mula sa kanya ang iba’t-ibang klase ng mga baril at mga bala.

Idinadawit ang grupo nito sa panibagong pamamaslang patay sa MPDC Officer ng Datu Montawal na si Engr. Ronald Bantiding bukod pa sa sila rin ang itinuturong responsable sa robbery hold-up noon sa Sugni Super Store na nasa National Highway, Pobalcion, Kabacan.

Sa ngayon inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong isasampa kontra sa kanya habang nagpapatuloy ang hot pursuit sa apat pa na mga kasamahan nitong nakatakas. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento