(Kidapawan City/June 17, 2012) ---Sinabi ni
Dengue Surveillance Regional Epidemiologist Dr. Alah Baby Vingno na nasa alert
level na sa ngayon ang North Cotabato hinggil sa sakit na dengue.
Ito batay sa resulta na isinagawa ng Regional
epidemiologist na malapit na sa out break ang probinsiya, makaraang nasa more
than WHO acceptable level na ang status ng North Cotabato.
Kaugnay nito, mas pina-igting pa ng Department of Health at ng mga local
government unit sa North Cotabato ang kanilang kampanya kontra dengue – isang
sakit na dala ng lamok na kapag ‘di naagapan ay posibleng magresulta sa
kamatayan.
Nitong Biyernes, isinagawa sa Kidapawan City ang launching ng 2nd Asean
Dengue Awareness Month na may temang, “Aksyon
Barangay Kontra Dengue, Pagtibayin.”
Sa Kidapawan City, isa sa mga hot
spot ang Llanderal Subdivision sa may Barangay Magsaysay, kung saan naitala
rito ang dalawang kaso ng mga batang nasawi dahil sa dengue.
Noong nakaraang linggo, pinasok ng
mga health workers mula sa DoH-12, City Health Office, Integrated Provincial
Health Office ng North Cotabato, at iba pang ahensiya ng gubyerno ang Barangay
Magsaysay upang gawin ang fogging operations at larvae survey, ayon sa City
Health Officer.
Samantala, narito naman ang panawagan
ni DOH-12 regional dengue coordinator Dr. Jebie Areen Biron kung papaanu
maiwasan ang sakit na dengue. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento