Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Field Trial ng BT Talong sa USM, Kabacan; suportado ng probinsiya

(USM, Kabacan, North Cotabato/June 22, 2012) ---Suportado ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang isinasagawang Field Trial ng BT Talong dito sa Univesity of Southern Mindanao o USM-Main Campus, Kabacan, Cotabato.


Aminado ang opisyal na dumadaan sa masusing pagsisiyasat ang trial sa ilalim ng Bureau of Plant and Industry o BPI guidelines makaraang magpalabas rin ang korte suprema ng writ of kalikasan kontra sa kontrobersiyal na BT Talong.

Paliwanag pa nito, na kasali ang USM sa mga natukoy na research institution sa mga gagawan ng pananaliksik hinggil sa fruit and shoot borer-resistant na talong.

Kinatigan din nito ang mandate ng USM bilang research institution.

Ang pondo sa nasabing pananaliksik ay galing sa Department of Agriculture at kongreso, kaya kung ipapahinto ito, kailangan munang i-lobby ito sa mababang kapulungan, ayon kay Gov. Lala.

Sa susunod na mga araw, isasagawa ang pagpupulong sa lahat ng mga stakeholders ng nasabing BT Talong sa USM, ayon kay Co-project leader Dr. Concepcion Bravo. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento