(Kabacan, North Cotabato/June 23, 2012) ---Matapos
ireklamo ang matagal ng di naaksyunan na madilim na kalye sa bahagi ng Miracle
St., dito sa Poblacion ng Kabacan.
Tiniyak ngayon ng pamunuan ng brgy.
Poblacion na agad nila itong bibigyan ng atensiyon.
Ito ang ginawang pagtitiyak ni Brgy. Kagawad
Edna Macaya sa panayam ng DXVL News kahapon.
Ayon sa opisyal, naantala umano ang
paglalagay ng mga ilaw sa poste sa bahagi ng Miracle St., dahil sa wala silang
makuhang electrician na mag-lalagay ng mga ilaw.
Giit ni Kagawad Macaya na ngayong weekend ay
palalagyan na nila ng ilaw ang poste ng Miracle st. partikular sa crossing
Abellera at sa harap ng Garcia Residence.
Ayon naman kay Poblacion Kapitan Herlo
Guzman Jr., may ilaw na siyang ibinigay sa mga madidilim na kalye, pero maging
siya ay nagtaka dahil hanggang ngayon ay di pa ito nailagay.
Maliban dito nirereklamo din ng ilang mga
residente ang madilim na kalye papunta ng Sunrise St., na ilang taon na ring di
nabibigyan ng pansin ng mga kinauukulan.
Ayon sa report, nagiging perwisyo ito sa
ilang mga estudyanteng uuwi ng kanilang boarding tuwing gabi mula sa klase
dahil kung minsan ay ayaw na silang ihatid ng mga tricycle.
Bukod dito, nirereklamo din ang kalye ng
Roxas St., Osias Quirino at ilang bahagi ng Villanueva subdivision.
Kaugnay nito, sinabi ni Macaya na bibigyan
nila ito ng agarang aksiyon sa lalong madaling panahon.
Aniya, aminado sila na marami pa rin sa
ilang mga kalye ng Poblacion ang walang mga ilaw ang poste. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento