Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

SB Kabacan, walang naipasang batas hinggil sa pagbabawal panigarilyo sa mga pampublikong lugar sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/June 20, 2012) ---Kung sa Kidapawan City, puspusan ang pagpapatupad ng “No smoking” sa lungsod, partikular na sa mga public places, sa Kabacan naman, hindi umano ipinursige ng mga lokal na mambabatas ng bayan ang ordinansang pagbabawal na panigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Kabacan.

Ito ang ibinunyag sa DXVL ni Councilor George Manuel, ang may hawak ng Committee on Health sa Sanggunian dahil anya, ay di rin naiimplementa ang mga pinapanday nilang batas.

Ito sa kabila pa man ng order ng National government sa pamamagitan ng Civil Service Commission sa pagbabawal na panigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Giit kasi ng opisyal na maging ang mga alagad ng batas sa bayan ay nag-yoyosi din sa mga bawal na lugar.

Tinukoy pa nito na maging ang mga opisyal, pulis at iba pang mga kawani ay naninigarilyo rin mismo sa loob ng munisipyo. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento