Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dam at stream check, pasisinayaan ng DA sa North Cotabato ngayong araw

(Pikit, North Cotabato/June 19, 2012) ---Pangungunahan ngayong araw ni Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala ang inagurasyon ng dalawang irrigation project sa unang distrito ng North Cotabato partikular sa Bayan ng Pikit.


Ang natukoy na irrigation projects ay ang Panicupan Chrislam Dam at Nalapaan Stream check na inimplementa ng Malitubog- Maridagao o Mal-Mar Irrigation Project Management Office, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Aasahan din ang pagdating ni National irrigation Administration o NIA Administrator Antonio Nangel, DA Regional Executive Director Amalia Datukan, North Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan at iba pang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan.

Sa impormasyon ipinalabas ng MalMar Irrigation Project Management Office, abot sa 430 ektarya ang maseserbisyuhan ng Panicupan Chrislam Dam kung saan higit isandaang magsasaka ang makikinabang dito.

Samantala, higit naman sa limampung mga magsasaka ang makikinabang sa Nalapaan Stream scheck na abot sa 100 ektarya ang lawak ng maseserbisyuhan.

Abot sa humigit P56 Milllion ang pondong inilaan ng gobyerno para sa mga natukoy na proyekto.
Kung noon ay kilala ang Barangay Panicupan at Nalapaan bilang mga war torn communities, ngayon ay unti- unti nang sumusulong ang kaunlaran sa mga komunidad na ito.

Nagpapasalamat naman si Cong. Sacdalan sa pambansang gobyerno dahil tuloy- tuloy ang suporta sa mga proyektong pang- agrikultura sa kanyang distrito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento