Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

5th Army Artillery Regiment ng hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas; nagdiwang ng ika-limang taong anibersaryo

(Carmen, North Cotabato/June 18, 2012) ---Pinangunahan ni Kidapawan City Mayor Rodolfo Gantuangco ang ika-limang taong anibersaryo ng Army Artillery Regiment ng Philippine Army na nasa headquarters ng AAR Camp Lucero, Nasapian, Carmen, North Cotabato na isinagawa nitong Sabado ng umaga.

Bago ang anniversary program ay nagsagawa muna ng tree planting ang mga sundalo kasama ang mga bisata, kungsaan nagtanim sila ng iba’t-ibang klase ng mga punong kahoy sa loob ng kampo.

Nanguna din sa isinagawang misa si Rev. Fralfredo Palomar, DCK, Parish Priest St. John Mary ng Kidapawan City.

Highlight din sa programa ang pagpapakita sa mga dumalo sa programa kung papaanu ang pag-buo o assemble ng kanyon at ang pagpapaputok nito.

Tumanggap naman ng parangal o memento ang ilang mga sundalo na pinangunahan ni Regiment Commander B/Gen Pedro Biasbas.

Kaugnay nito, sinabi ni Lt. Col. Emilio Pedro Jr., na patuloy ang kanilang pakikibaka hindi lamang sa pakikidigma sa mga rebeldeng grupo kundi ang pagtulong sa mga mamamayan lalo na sa pag-iimpower sa kanilang na suportahan ang mga programa ng gobyerno.

Dumalo rin sa nasabing anibersaryo si 602nd Brigade commanding Officer Col. Dionesio Ceasar Sedillo, Provincial Focal Person for Health Jessie Ined, kumakatawan kay Cotabato Gov. Lala Mendoza, USM Pres. Dr. Jess Derije at ilang mga kagawad ng media. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento