Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP, hinimok ang mamamayan ng Kabacan na makipag-tulungan para sa mabilis na pagresolba ng shooting incident sa bayan

(Kabacan, North cotabato/June 17, 2012) ---Sa limang shooting incident na nangyari sa Kabacan ngayong buwang ito lamang ni isa sa mga ito ay walang pang naresolba ang Kabacan PNP, ito dahil sa kakulangan din ng suporta ng mamamayan sa kapulisan.


Pinawi naman ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP na isolated lamang ang nasabing mga pangyayari at ilan sa mga anggulong tinitingnan nila ay personal grudge mula sa ibang lugar at dito sa Kabacan ginagawa ang krimen.

Sinabi ng opisyal na wala ring katotohanan na may bagong shooting incident na naganap nitong Sabado ng gabi sa National Highway.

Kaugnay nito, aminado ang opisyal na kulang ang kanilang tauhan para bantayan ang lahat ng sulok ng Pobacion ng bayan bukod pa sa kulang di umano ang suporta ng pamahalaang lokal sa kapulisan.

Sa katatapos na Municipal Peace and Order Council meeting nitong nakaraang linggo inilatag ng opisyal ang pagdadagdag ng check at Choke points sa mga crime prone incident area, partikular na sa National Highway.

Samantala, lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng otoridad na mistaken identity lamang ang pagkakabaril sa isang 21-anyos na tricycle driver na nakilalang si Jimmy Alay, residente ng Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan, cotabato.

Ayon sa Kabacan PNP, inutusan lamang umano ang binata na bumili ng pagkain dito sa Pobalcion nung gabing nangyari ang insedente.

Kaugnay nito, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa sunod-sunod na pamamaril sa bayan ng Kabacan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento