(Kabacan, North Cotabato/June 20, 2012) ---Kasalukuyang
ginaganap ang training ng dalawamput apat na baranggay sa bayan ng Kabacan sa
Agricultural Training Institute- USM hinggil sa disaster preparedness and
climate change.
Ang 2-day training ay nagsimula noong lunes
at magtatapos sa Hunyo 26, 2012.
Kahapon, matagumpay na natapos ang traing ng
first batch ng mga baranggay na kinabibilangan ng Baranggay Bangilan,
Malanduague, Pisan, Arinngay at Sanggadong.
Ngayong araw naman, magsisimula sa training
ang ikalawang batch na mula sa Baraggay Dagupan, Magatos, Malamote, Upper
Paatan, Nangaan at Osias. Susunod naman ang ikatlo at ikaapat na batch sa mga
susunod na araw.
Ang nasabing training ay pinangunahan ni
Engr. Cedrik S. Mantawil, PhD, ang chairman ng Municipal Disaster Risk
Reduction Management Office.
Kasama din sa training at tagapagsalita sina Jasmin S. Mosaid- MLGOO, Mr. Latip
Akmad- Operation and Warning Officer, Susan C. Macalipat-MSWDO, PO1 Ardec Dela
Cruz ng PNP, FS/Insp Ibrahim Guiamalon, at ilang mga empleyado ng LGU-Kabacan
ang nagfacilatate dito.
Layun ng nabanggit na pagsasanay na maihanda
ang lahat ng mga opisyal ng barangay sa anumang mga di inaasahang kalamidad.
(Brex Bryan Nicolas)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento