(Kabacan, North Cotabato/June 20, 2012) ---Natangay
ng mga hold-apers ang mga cash, alahas
at iba pang mga personal na gamit ng mga pasahero ng Van makaraang ma-hold-up
ang mga ito sa Kidapawan-Matalam highway nitong Lunes.
Ayon
kay Police chief Inspector Jordine Maribojo, kasama sa mga tinangay din nila
ang Van kungsaan ginamit nilang get away vehicle matapos iwanan ang mga biktima
sa isang masukal na lugar sa bayan ng Carmen.
Kinilala
ni Maribojo ang driver ng kulay putting D4D na may plate number na MVZ 726 na
Van na si Virgilio Ignacio na biyahe buhat ditto sa bayan ng Kabacan papunta ng
Davao City ng parahin ng tatlong mga armadong kalalakihan alas 8:30 ng gabi
nitong Lunes.
Pagdating
ng Van sa Bureau of Plant Industry (BPI) provincial office na nasa National
highway ng Barangay Amas dalawa pang mga lalaki ang sumakay sa nasabing Van.
Makalipas
ang ilang sandali agad na nagdeklara ng hold-up ang mga salarin kungsaan isa sa
kanila nakatutok ng baril sa driver at mga pasahero habang abala naman ang isa
pa sa pagkuha ngmga gamit ng mga pasahero.
Piniringan
umano ng mga suspek ang mga pasahero at pinahubad nila ang apat na mga lalaking
pasahero para kunin ang t-shirts at pantaloon nila.
Dinala
ang mga ito sa Barangay Kibayao sa bayan ng Carmen town at pinatakas kungsaan
nakahingi sila ng saklolo sa detachment ng Bravo Company ng 7th
Infantry Battalion na nasa Barangay Nasapian sa nabanggit na bayan.
Sa
ngayon di pa matuloy ng mga otoridad kung anung grupo ang may kagagawan ng
panibagong pang-hohold-up sa highway ng North Cotabato. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento