Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PNP Cotabato Province, nakahanda na sa darating na Undas

By: Mark Anthony Pispis

(Amas, Kidapawan City/ October 28, 2014) ---Nakahanda na ang Kapulisan sa Probinsiya ng Cotabato para sa pagbibigay ng seguridad sa mga bibisita sa kanilang pumanaw na mahal sa buhay sa ibat ibang mga himlayan at pati narin sa mga simbahan sa buong lalawigan sa darating na Undas ngayong taon.

Ito ay nabatid mula kay Police Senior Inspector Ramil Hojilla ang Chief Provincial Operation Branch ng Police Provincial Office sa panayam ng DXVL news kahapon.


Anya ang malalaking simenteryo na kanilang tututukan ay ang malalaking sementeryo sa Lungsod ng Kidapawan at sa Bayan ng Midsayap.

Dagdag pa ni Hojilla, nakahanda na rin umano ang Police Official Centers sa ibat ibang mga simenteryo at mga terminal na handang tumugon sa mga problema ng mga mamamayan at mga reklamo sa mga terminals at mga seminteryo.

Pinayuhan din ng opisyal ang mga mamamayan nating babiyahe pa sa malayong lugar sa darating na undas na bumiyahe na ng mas maaga nang di na mahirapang makasakay.

Nagpalala din ito sa mga iiwan ang kanilang mga bahay na siguradohing nakakakandado ito at nang makaiwas sa mga mapagsamantala.
(Voice Clip)

Samantala sa iba pang mga balita, patuloy umanong binibigyan pa ng malalimang imbestigasyon ng mga kapulisan ang di pa nareresulbang UCCP Pikit Blast, giit pa ni Hojilla.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento