Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Provincial Tourism Office, Hinihikayat ang mga malalaking negosyante na iparehistro ang kanilang mga pagmamay aring establisyemento sa kanilang tanggapan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2014) ---Hinihikayat ngayon ng Provincial Tourism Council ng Provincial Government of Cotabato ang mga malalaking mga negosyante na iparehistro sa kanilang pamunuan ang kanilang pagmamay aring mga establisyemento upang makatulong sa pagbabanuti ng pagtataguyod sa Turismo ng lalawigan.

Ito ayon kay Cotabato Province Provincial Tourism Officer Jabib Guiabar sa panayam ng DXVL News.


Anya malaking tulong umano ito upang malaman ng mga lokal na mga turista na meroong mga estalisyemento sa ating lalawigan at upang matulungan narin ang mga ito na malathala ang kanilang negosyo sa tulong ng Provincial Tourism Office.

Giit pa ni Guiabar na binibigyang prioridad ng Provincial Government of Cotabato sa pangunguna ni Governor Lala Talino Mendoza ang pagpapaunlad sa lahat ng Eco Tourism sites sa lalawigan.


Binigyang diin din ng opisyal ang kahalagahan ng kapayaan bilang papel sa pagpapaunlad sa turismo sa probinsiya.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento