Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Comprehensive Drainage Plan ng Kabacan, di pa rin nasimulan!

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2014) ---Muling inireklamo ng ilang mga residente sa Purok Masagana, Poblacion, Kabacan ang baha sa kanilang lugar.

Ito bunsod na rin ng malakas na buhos ng ulan simula kahapon ng hapon hanggang gabi.

Ayon kay Purok President Samuel Dapon, matagal ng nilang problema ang baha sa kanilang lugar kungsaan tuwing bumubuhos ang malakas na ulan ay bulnerable sa baha ang Purok Masagana.

Pumasok na rin sa ilang kabahayan ang tubig baha kagabi.

Bukod sa nasabing lugar, tumaas din ang tubig baha sa ilang lugar sa Poblacion ng Kabacan.

Sa ulat ni MDRRMC Head David don Saure ngayong umaga, muli na namang binaha ang sitio Punol ng brgy. Kayaga bandang alas 3:00 ng madaling araw kanina.

Reklamo ni Dapon sa Pamahalaang Lokal ng Kabacan na bigyan ng pansin ang matagal ng problema sa Purok Masagana.

Bagama’t may ginagawa ng hakbang ang LGU Kabacan na comprehensive Drainage Plan para sa buong Poblacion, pero hanggang ngayon hindi pa rin ito nasimulan ng Engineering Office, taliwas ipinahayag ng Unlad Kabacan team na uumpisahan ito sa lalong madaling panahon.

Samantala sa iba pang mga balita, bilang bahagi ng culmination program hinggil sa selebrasyon ng cooperative month, magsasagawa ng Bloodletting Activity ang grupo sa municipalgym alas 8:30 ngayong umaga.

Sa impormasyon ipinarating ni Kaunlad team Executive Secretary to the Mayor Yvonne Saliling na ang programa ay sa pakikipagtulungan ng Rural Health Unit ng Kabacan, LGU, Philippine National Red Cross at Polymedic.


Kaugnay nito, inaanyayahan ni Municipal Cooperative Coordinator Dominador Bisnar ang publiko na makibahagi sa gagawing bloodletting activity ngayong araw. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento