Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Habal-habal Drayber, sugatan sa nangyaring pamamaril sa Matalam, Cotabato!

(Matalam, North Cotabato/ October 27, 2014) ---Sa ospital ang bagsak ng 26-anyos na habal-habal drayber makaraang barilin ng di pa nakilalang suspek sa Sitio Ambel, Brgy. Marbel, Matalam, Cotabato alas 5:30 ng madaling araw nitong Sabado.

Kinilala ni PCInsp. Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Reynaldo Chua Junsay, 26-anyos, may asawa at residente ng Sitio Lambayao, Brgy. Kibia, Matalam.

Sa ulat na nakarating kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP  lumalabas na habang binabaybay ni Junsay ang Antipas-Matalam road lulan ng dalawang di pa nakilalang mga pasahero sakay sa Honda CV 125 at may temporary plate ng biglang nilapitan ang mga ito ng dalawang di pa nakilalanag mga suspek at isa sa mga suspek ay tinutukan ng baril ang drayber ng habal-habal.

Liban dito, isa pa sa mga suspek ay tinutukan ng kutsilyo si Junsay at inatasan na ibigay ang kanyang motorsiklo sa kanila at pwersahang kinuha ang belt bag nito na naglalaman ng cellphone at cash na nagkakahalaga ng P3,000.00 at isa pang sling bag na pag-mamay-ari ng isa pang pasahero ang tinangay din nila.

Agad namang tumakbo ang dalawang mga pasahero habang pinaputukan naman ng mga suspek ang drayber gamit ang handgun.

Sinubukan namang kunin ng mga susek ang motorsiklo pero di ito natuloy makaraang di umandar ang makina ng motorsiklo.

Mabilis namang tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon habang nagtamo naman ng iba’t-ibang sugat sa katawan ang biktima na mabilis na isinugod sa Babol General Hospital na patuloy na binigyan ng medikal na atensiyon.

Malaki naman ang paniniwala ng Matalam PNP na agaw motorsiklo ang motibo sa nasabing insidente at patuloy na ang ginagawang imbestigasyon. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento