Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay na natagpuang, palutang-lutang sa ilog ng Kabacan, kinilala na!

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2014) ---Isang bangkay ang natagpuan ngayon ng ilang mga residente sa ilog na nasa hanggang ng Kabacan river at Rio Grande de Mindanao sa bahagi ng Sitio Lumayong, Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 8:30 ngayong umaga lamang.

Sa impormasyong ipinarating ni Kabacan MDRRMC Head David Don Saure kinilala ang bangkay ng mismong kanyang kamag-anak na si Mama Ugkang Pandangan, 45-anyos, isang Maguindanaoan at residente ng Kilada Central, Matalam, Cotabato.


Sinasabing tumawid ang biktima sa ilog ng Brgy. Marbel kahapon ng umaga ng matangay ng malakas na agos ng tubig.

Ang bangkay ay may Orange na t-shirt.  

Pasado alas 9:00 ng umaga ng maiahon ang nasabing bangkay sa ilog makaraang rumesponde ang Kabacan Quick Response Team.

Sinisiyasat pa ng mga otoridad kung may mga sugat o pasa at patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan nito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento