Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamilya Gelacio at Palencia, nag hain na ng kasong administratibo re: sa pagkamatay ni Ka-kunektadong Irah Palencia Gelacio


by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2014) ---Naghain na ng kasong administratibo ang pamilya Gelacio at Palencia sa mga attendant ng Lying In ng RHU Kabacan na nag-asikaso kay DXVL Newscaster Irah Palencia Gelacio sa opisina ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kahapon ng hapon.


Tinungo ng pamilya Gelacio at Palencia ang opisina ng alkalde upang isumite ang affidavit of complaint.

Nakasaad sa apat na pahinang Judicial Affidavit na sinumpaan ni Anita Gelacio ang manugang ni Irah ang mga dahilan at nangyaring kapabayaan umano ng pamunuan ng Kabacan RHU Lying In matapos na magluwal si Irah ng sanggol.

Maliban dito, naghain din ng kanyang dalawang pahinang affidavit of complaint ang asawa ni Irah na si Gerald Gelacio laban kina Lina Daut, Helen Condez at Erlinda Alcantara kaugnay sa kasong administratibo sa tanggapan ni Mayor Herlo Guzman Jr.


Ginawa ng pamilya Gelacio at Palencia ang hakbang makaraang wala pang nagawang aksiyon ang LGU Kabacan sa naunang reklamo ng pamilya na panagutin o bigyan ng sanctions man lamang ang mga attendant na Nurse at midwife matapos na namatay si Irah Palencia Gelacio makaraang maubusan ng dugo makaraang magluwal ng sanggol noong Hunyo a-24 dakong alas 4:55 ng madaling araw.


Ngayong araw October 29, 2014 ay eksaktong apat na buwan ng makaraang pumanaw si DXVL Newscaster at Broadcast Traffic Officer Irah Palencia Gelacio.

Naulila ni Irah ang kanyang kapamilya kasama sa trabaho asawa at dalawang anak na sina Ivan Prince at Carl Gervane Gelacio dahil umano sa kapabayaan ng mga umaasikaso sa kanyang panganganak at ang pag-kaubos ng dugo nito, ayon sa kanyang manugang na si Anita Gelacio.

Matatandaan na gumawa na ng Committee report ang Sangguniang Bayan ng Kabacan matapos ang naunang inihaing reklamo ng pamilya Gelacio at Palencia.

Pero ang naturang committee report ay hindi pa nakarating sa tanggapan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ayon sa nakalap na report ng DXVL News mula mismo sa pinagkakatiwalaang source sa LGU.

Bagay namang wala pang hakbang na nagagawa ngayon ang tanggapan ng alkalde.
Kaugnay nito, umaasa naman ang pamilya Gelacio na matutugunan ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang nasabing reklamo.
-0-0-0-0
Samantala, matapos ang ilang buwang paghihintay, hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag maging ang tanggapan ni Dr. Sofronio Edu Jr., ang Municipal Health Officer ng Kabacan sa nasabing pangyayari.

Bagay namang nais ngayon kalampagin ng Pamilya Palencia at Gelacio ang opisina ni Dr. Edu kung sinunod ng kanyang mga tauhan ang tamang protocol sa panganganak kay Irah.

Napag-alaman pa na umaabot na ng 28cm ang tiyan ni Irah dalawang buwan bago magsilang ng sanggol kaya posibleng umaabot pa ng lapas 30cm ng manganak ito.

Pero hindi lang man nagrekomenda umano ang midwife na i-caesarean ito, ayon pa kay Ginang Gelacio.

Dagdag pa nito, na matagal bago na-i-refer si Irah sa ospital kung hindi pa naglakas loob at pumilit ang mother in law ni Irah na dalhin na siya sa ospital.

Matagal din ang pagtahi nila sa pwerta ni Irah at walang naka-standby na ambulansiya sa RHU, kaya naubusan nan g dugo si Irah bago naisugod sa USM hospital, dagdag pa ni Ginang Gelacio.

Sa ngayon, pursigido ang pamilya Palencia at Gelacio na kasuhan sina Lina Daut, Helen Condez at Erlinda Alcantara dahil sa nasabing kapabayaan at Gross misconduct na may kaugnayan sa kasong administratibo na kanilang naihain na kahapon sa tanggapan ni Mayor Herlo Guzman Jr.

Nagpasaklolo na rin ang nasabing pamilya sa Alkalde at kay Vice Mayor upang mabigyan din ng katarungan ang pagkamatay ni Irah.

Positibo naman ang mga ito na agad na tutugunan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang kasong inihain nila laban sa tatlo.


Maliban sa protocol, nais ding ipapasiyasat ng kampo ni Irah kung naka-renew ng kanilang lisensiya ang mga attendant nitong nabanggit.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento