Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kalsada sa Carmen, passable na matapos na ma-landslide, kagabi!

by: Rhoderick BeƱez

(Carmen, North Cotabato/ October 28, 2014) ---Kinumpirma ngayong umaga sa DXVL News ni Carmen Municipal Disaster risk Reduction Officer Dr. Naguitgitan na passable na o madadaanan na ang kalsada na natabunan makaraang gumuho dahil sa landslide bunsod ng malakas na buhos ng ulan sa Brgy. Tambad bayan ng Carmen, North Cotabato.

Nasa erya si Dr. Naguitgitan ng mapanayam ng DXVL News ngayong umaga kungsaan patuloy ang kanyang superbisyon upang maayos ang mga nakahambalang na mga bato at lupa sa nasabing kalsada.

Pasado alas 12:00 ng madaling araw kanina ay passable na ang daanan kungsaan agad namang inutos ni Mayor Roger Talino sa kanyang mga tauhan na agarang ayusin pa ito dahil one lane pa lamang ang madadaaan hanggang sa mga oras na ito.


Ang National Highway sa bayan ng Carmen ay pangunahing dinadaanan ng mga bimibiyahe sa buhat ng Cagayan de Oro city papuntang Kabacan, Cotabato City, Tacurong at sa Kidapawan city.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento