By: Roderick Rivera Bautista
(Midsayap, North Cotabato/ October 29, 2014)
---Magpapasiklaban sa ibat’- ibang dance categories ang mga kalahok sa ika- siyam na taong edisyon ng
Cotabato Annual Dance Festival na gaganapin ngayong darating na a-15 ng
Nobyembre dito sa bayan.
Paglalabanan ng mga kalahok ang pinaka-aasam
na champion trophy sa mga dance categories tulad ng rural folk dance, Latin
dancesport, popular dance at cheerdance.
Nakasentro sa temang “Reign” ang dance
festival ngayong taon.
Sinabi ni Maricar Bautista- Karatuan,
Executive Director ng 9th Cotabato Annual Dance Festival, na ang
mahalagang tanong ngayon ay kung sino ang mamamayagpag sa dancefloor at mag-
uuwi ng premyo at karangalan.
Kapanapanabik ang kompetisyon ngayong taon
dahil maraming grupo mula sa iba’t- ibang parte ng Mindanao ang kasali.
Isa umano sa dapat abangan ang defending champion
sa cheerdance category na Madayaw Cheer Revolution mula sa Lungsod ng Davao.
Umaasa si Karatuan na magiging mainit muli
ang pagsuporta ng mga manonood sa nasabing patimpalak.
Ang Cotabato Annual Dance Festival ay bahagi
ng founding anniversary celebration ng Midsayap sa susunod na buwan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento