Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Oplan Kaluluwa 2014 ng CPPO, kasado na!

By: Rhoderick Beñez

(Amas, Kidapawan City/ October 28, 2014) ---Kasado na ang inilatag na “Oplan Kaluluwa 2014” ng Cotabato Police Provincial Office para sa nalalapit na Undas ngayong taon.

Ito ang napag-alaman ng DXVL News kay PSI Ramil Hojilla ang Chief Provincial Operation Branch ng CPPO.


May mga ipapakalat na silang pwersa ng kapulisan sa iba’t-ibang sementeryo sa lalawigan ng Cotabato kasama na ang mga simbahan at ilang mga matataong lugar kagaya ng terminal at merkado publiko kungsaan dadagsa ang tao.

May nga Highway Patrol Group na rin silang babantay sa mga lansangan sa lalawigan para sa assistance ng mga ba-biyahe pauwi sa iba’t-ibang lugar para sa paggunita ng todos los santos, ayon pa kay Hojilla.

Paalala pa nito na kung maari ay mag-iwan ng isang tao sa bahay at kung di man maiwasan ay siguraduhing naka-padlock ang bahay bago aalis o dadalaw sa mga sementeryo.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento