By: Ruel
Villanueva
(Amas, Kidapawan city/ November 5, 2014) ---Bilang
bahagi ng Industrial Crops Development Program ng lalawigan ng Cotabato,
namahagi kamakailan (10/22-23/14) ng 13,000 piraso ng dekalidad na budded
rubber seedlings ang Office of the Provincial Agriculturist para sa 16 na
farmer recipients mula sa mga bayan ng Carmen, Tulunan at Libungan.
Sa pamamagitan nito, inaasahang lalawak pa ang lupaing
natatamnan ng rubber at tataas pa ang produksiyon ng latex dito sa lalawigan na
makapagbibigay ng sustainable income sa mga magsasaka ng goma.
Ang mga rubber seedlings na naipamahagi ay
patuloy na imomonitor ng mga technicians ng OPA upang siguradong mabubuhay ang
mga ito at makaraan ang isang taon ay i-vavalidate ang survival rate ng
seedlings na ipinamahagi.
Kung umabot sa 75% ang survival rate ay libre na ang
seedlings na ipinamahagi at wala ng babayaran ang recipient.
Ang Rubber Development Program ay mahalagang
component ng Serbisyong Totoo program ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza
upang tulungang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga rubber farmers sa
lalawigan ng Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento