Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Basil Leaves mainam sa ilang mga sakit sa tiyan –ayon sa USM Prof

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 5, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang pagsisiyasat ng research center ng University of Southern Mindanao partikular nan g USMARC hinggil sa basil leaves o mas kilala sa bisaya sa tawag na Sangig na mainam sa ilang mga sakit sa tiyan.

Ito ayon kay Dr. Naomi Tangonan, dating USM Faculty, researcher, Scientist sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon.

Ang scientific name nito ay Ocimum Basilicum na ito ay matagal ng ginagamit sa ibang bansa na pansahog sa pagkain at ginagamit bilang pang-gamot kagaya ng India at iba pang bansa sa Southeast Asia.

Ayon kay Dr. Tangonan na batay sa kanilang isinagawang pananaliksik sa halamang basil na may marami itong gamit at nakakatulong sa kidney stone.

Nakakatuloy din sa heart problem dahil nakaka-reduce ng cholesterol at pwede rin sa mga bata na nagsusuko, may lagnat at ubo pwedeng inumin ang nilagaan ng dahon nito, dagdag pa ni Dr. Naomi Tangonan.

Dahil dito, bukas ang USMARC center sa lahat lalo na sa mga estudyante ng USM particular sa College of Agriculture na kumuha ng planting materials ng basil leaves, ayon pa kay Dr. Tangonan. Rhoderick Beñez

VC 2 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento