Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Enrollment sa USM, nagpapatuloy, siksikan sa pila, matindi pa rin

By: Allan Dalo

(USM, Kabacan, Cotabato/ November 4, 2014) ----Nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang enrollement sa pinakamalaking state university sa Central Mindanao, ang University of Southern Mindanao.
Photo by: William dela Torre

Kahapon, pansamantalang nabalam ang koleksyon dahil nagkaaberya ang server ng Information Communication and Technology Center o ICTC na isa sa mga nangangasiwa ng enrolment process.


Sa panayam kay Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang, sinabi nito na agad ginawan ng paraan ng pamantasan ang aberya at nagpatuloy ngayong hapon.

Sa ngayon, umaabot pa lamang sa 2,500 ang nakapag-enrol para sa 2nd semester habang tinatayang nasa mahigit labing-isang libo pa ang hindi pa nakakapag-enrol.

Ayon pa kay VP Ampang, hindi na maaari pang i-extend ang enrolment period dahil napahaba nang panahong inilaan ng pamantasan para sa enrolment simula pa nitong nakalipas na linggo. May kailangan kasing kumpletuhing number of hours para sa buong semestere.

POsible umanong hinintay pa ng maraming estudyante ang open enrollement kaya nagsiksikan ngayon sa pila.

Pero ayon naman sa ilang mga estudyante, wala pa umano silang sapat na perang pang-enroll nitong nakalipas na linggo.

Nagpapaalala naman si VP Ampang, sa mga estudyante na tiyaking matapos ang buong proseso ng enrolment para maging lehetimong estudyante ng pamatansan.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento