(Kabacan, North Cotabato/ November 5, 2014)
---Sinalakay ng mahigit kumulang sa 30 mga armadong grupo ang Sitio Ladao ng
Brgy. Pedtad, Kabacan, Cotabato alas 9:30 kagabi.
Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng
Kabacan PNP hinarass ng mga armadong grupo ang pangkat ni Kapitan Romeo
Mantawil kungsaan umaabot sa 30 ang palitan ng putok sa magkabilang panig.
Sinabi sa DXVL ni col. Maribojo na wala
namang mga residenteng nagsilikas matapos ang putukan kagabi.
Wala ring may naireport na casualties sa
nasabing insidente.
Sa hiwalay na impormasyong ipinadala ni Col.
Noel Clement ang commanding Officer ng 602nd Brigada sinasabing
grupo umano ni kumander Gafur at Kumander Abdila Matitik ang responsableng sa
mga panghaharas sa pangkat ni Kapitan Romeo Mantawil ng Brgy. Pedtad.
Nakatakdang tunguhin naman ngayong araw ng
kapulisan ang lugar upang alamin ang puno’t dulo sa nasabing girian na
sinasabing ika-lawang beses na nangyari ang nasabing pagsalakay ng nasabing
grupo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento