By:
Christine Limos
(North Cotabato/ November 5, 2014) ----Nagpa
abot ng pakikiramay ang pamahalaan ng probinsya ng North Cotabato sa mga
naulilang pamilya ng anim na sundalong namatay sa ambush sa Sumisip, Basilan noong
Nobyemre 2.
Matatandaan na apat sa mga nasawing sundalo
ay taga North Cotabato.
Ayon sa Provincial Government Office Media
Bureau, magbibigay ng limang libong pisong cash assistance si Gov.Lala
Taliño-Mendoza sa pamilya ng apat na sundalo na sina Sgt.Tranquilino Germo,
Private First Class Rolando Entera, Freddie Pandoy at Mark Singson na kasapi ng
64th Infantry battalion habang nasa ilalaim ng 6th Infantry Division.
Si Germo, Entera at Pandoy ay mga taga
Aleosan Cotabato at si Singson ay mula sa Brgy. Manuangan Pigcawayan North
Cotabato.Nahatid na sa pamilya na ang mga labi ng mga sundalo matapos ang send
off funeral ceremony sa Air Force base sa Zamboanga City kahapon.
Una rito, Bumuhos ng luha mula sa mga
pamilya ng mga nasawing sundalo sa Basilan, ng dumating ito sa Awang Airport ng
Datu Odin Sinsuat, Maguindanao sakay ng C-130 plane ng Philippine Air force.
Sinalubong ng seremonya ng mga sundalo mula
sa 6th infantry division Philippine army ang apat na labi na binaba mula sa
natruang eroplano.
Matapos ang seremonya, kasama ang mga
sundalo at mga pamilya ng mga sundalong nasawi, sinakay na ang mga ito sa mga
6x truck ng 6ID upang idiritso sa morgue at mailipat na sa kanilang mga
kabaong.
Tanggap naman ni Rudy Canuto ang ama ni
Private first class Raffy Canuto, taga-Sultan Kudarat na isa sa mga nasawi sa
naganap na ambush, ang sinapit ng kanyang anak sa kamay ng mga armadong grupo.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento