Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pag-obserba ng Undas 2014 sa North Cotabato, naging maayos at matiwasay!

(KAbacan, Cotabato/ November 3, 2014) ---Naging maayos at matiwasay sa pangkalahatan ang pag-obserba ng Undas sa lalawigan ng North Cotabato.

Ito ayon kay PSI Ramil Hojilla, ang Chief Provincial Operation branch ng Cotabato Police Provincial Office.

Aniya, wala naman mga insidenteng nangyari na may kaugnayan sa pag-obserba ng araw ng mga patay at to dos los santos.

Ito dahil san aka-full alert ang PNP sa dalawang araw na pag-obserba ng Undas.

Maliban sa mga sementeryo kanila rin binantayan ang mga pumpublikong terminal at ilan pang mga matataong lugar.

Sa bayan ng Kabacan, ay mahigpit din ang pagbabantay sa mga sementeryo.

Sinabi naman ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP na maayos din ang paggunita ng araw ng mga patay sa bayan ng Matalam.

Ang bayan ng Carmen ay wala namang may naitlang mga insidente kaugnay sa paggunita ng Undas ngayong taon ayon naman kay PSI Basilio Parcon.


Samantala, siksikan naman ang mga pasahero sa bus kahapon pauwi sa iba’t-ibang lugar sa bayan ng North Cotabato matapos ang paggunita ng Undas. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento