Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

17-anyos na dinukot sa Kabacan, pinalaya na makaraang ma-mistaken identity!

(Kabacan, North cotabato/ November 3, 2014) ---Isinailalim na sa debriefing ang 17-anyos na dalagita makaraang marekober sa harap ng bus terminal malapit lamang sa Tobias Residence sa bayan ng Pikit, Cotabato Sabado ng gabi.

Sa panayam ng DXVL News kay Vice Mayor Myra Dulay Bade personal na tinungo ng opisyal ang kampo ng 602nd Brigade kungsaan tinurn-over ang biktima kahapon ng umaga.

Hindi naman isinapubliko ng bise alkalde ang pagkakakilanlan ng biktima na sinasabing anak umano ng trabahante ng Kusina Kabacan.

Nabatid na tinangay ang dalagitan ng limang mga suspek na naka-bonnet na isinakay sa Van.

Pero ng malaman na mistaken identity ang biktima kanilang iniwan ito sa nasabing lugar.

Nagpatamo pa umano ng mga pasa ang biktima na ngayon ay isinailalim sa counseling at debriefing.

Namataan ng mga intelligence operative ang biktima alas 9:00 ng gabi noong Sabado at agad na dinala sa Carmen PNP bago inihatid sa kampo ng 602nd brigade na siya namang apela ng biktima dahil isang sundalo ang kanya ama.

Ibinunyag sa isang intelligence report na ang anak umano ng may-ari ng Kusina Kabacan ang target sana ng mga suspek na dukutin.


Sa ngayon, patuloy na tinutugis ng otoridad ang mga responsible sa nasabing pang-aabduct sa biktima. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento