Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Engkwentro ng 2 aramadong grupo, muling sumiklab sa Tulunan, North Cotabato

By: Christine Limos

(Tulunan, North Cotabato/ November 5, 2014) ---Sumiklab ang palitan ng putok sa pagitan ng mga magsasaka at dalawampung di nakilalang armado sa km 130 na sakop ng Brgy. Popoyon, Tulunan, North Cotabato.

Agad na rumisponde ang Tulunan PNP sa pangunguna ni PSI Rolando L. Dillera jr. at ang tropa ng 39th Infantry Battalion Philippine Army.

Ayon sa imbestigasyon naghahanda ng lupang sakahan para ang mga magsasaka nang bigla silang hinarass ng  mga armadong grupo. Nagtagal ang palitan ng putok ng apat na oras.

Kinilala ni Dillera jr. ang sugatan sa engkwntro na si Mike Beñegas na nagtamo ng sugat sa kanang braso.

Ang biktima ay agad namang sinugod sa Tulio Favali Hospital poblacion Tulunan.

Pinaniniwalaang land conflict ang motibo ng naturang panghaharas. Dahil sa nasabing insidente, nagsilikas na ang maraming residente sa lugar dahil sa takot na madamay sa engkwentro.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa naturang insidente.
-0-0-0
LUNES PA LAMANG ay dumagsa na ang kaanak ng mga Human rights victims na napaslang at inabuso sa panahon ng Martial Law.
Ayon kay Human Rights Victims' Claim Board Atty. Jaime Arroyo, personal interview pa lamang ang kanilang naisagawa kasabay ng pagtanggap ng mga dokumento bago maipasa sa National level.
Hindi naman masabi ng opisyal kung ano ang mga benepisyong matatanggap ng mga aplikante.
Pero inilahad nitong abot sa sampung bilyong piso ang inilaang pondo ng gobyerno para sa programa kasunod ng desisyon ng Swiss court na bawiin ang pera mula sa pamilya Marcos.
Dagdag pa ni Arroyo, magsasara ang application sa susunod na Lunes pero muli itong bubuksan sa susunod na buwan matapos maaprubahan ang anim na buwang extension.
Ang Human Rights Victims' Claim Board ay isang sangay ng Commission on Human Rights na naglalayong tutukan ang hustisya para sa mga naging biktima ng Marshall Law.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento