Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

News letter ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, ilalabas

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/January 19, 2012) ---Nakatakdang ilalabas ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang kanilang newsletter hinggil sa R.A. 10121 upang mas lalo pang mapalaganap ang kaalaman ng publiko kung papaanu matugunan ang anumang mga sakuna o kalamidad sa bayan.

Ito ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Engr. Cedric Mantawil kasabay ng pagsasabing prayoridad din nila sa ngayon ang pagkakaroon ng sariling opisina para doon na lang ilalagay ang mga nabiling equipment.

Sa kasalukuyan ang tanggapan kasi ng MDRRMC ay nasa MILGO habang inaayos pa ang opisina nito bagama’t di pa nito inihayag kung saan partikular ito ilalagay.

Una rito, sinabi pa ng opisyal na dahan-dahan ng bumili ng mga equipment ang MDRRMO officer ng Kabacan para sa gagawing training at paghahanda sa di inaasahang sakuna at kalamidad sa bayan.

Ang nasabing training na ito ay gaganapin ngayong darating na buwan ng Marso taong kasalukuyan.

Kaugnay nito, naghahanap na din sila ng mga volunteers na residente lamang ng bayan ng Kabacan na may edad na labing lima pataas para sa binubuong rescue team.

Dagdag pa ni Engr. Mantawil, na kailangang makabuo ng 20 katao at hahatiin ito sa dalawa upang magkaroon ng dalawang rescue team na siyang reresponde sakaling may mga sakuna at kalamidad dito sa bayan.

Ngayong araw, ay magkakaroon sila ng pagpupulong ukol pa rin sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Code para sa final reading nito. (with reports from Lesly Grace Caballes)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento