Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/January 16, 2012) ---Nakalabas na ang siyam sa labin isang mga LTO agents na ipinakulong ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza makaraang makapag-piyansa noong Biyernes.
Ito ang kinumpirma ni P/Insp Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP kungsaan dalawa sa mga ito ay nasa ilalim pa rin ng kanilang kustodiya at nakatakdang magbabayad ng piyansa ngayong araw.
Kasong usurpation of authority at official functions ang kasong isinampa sa kanila ng gobernador.
Ito dahil walang kaukulang deputation order na ipinakita ang mga ito buhat sa Land Transportation Regional Office.
Kinilala ni Colonia ang dalawang nakakulong na mga LTO agents na sina William Esmael at Alamada Israel, habang nakalaya naman sina Yusoph Mamaluba, Ferdan Reformado, Eddie Waguia, Teng Mastura, Roy Pedtamanan, Abdullah Paunti, Salapon Mulod, Jordan Jainal,at Badrudin Ali.
Ayon sa report, ipinadampot ang mga ito ng gobernador noong Huwebes dahil sa pagsasagawa ng Highway inspection sa Matalam at Kabacan Highway na walang deputation order, ang nirereklamo pa ng marami, nakakaabala sa daan ang mga ito.
Napag-alaman pa sa report na dalawa sa mga LTO agent say nagpositibo sa illegal na droga matapos isinailalim sa drug test ang mga ito.
Una na ring ipinatawag ang mga LTO head district sa Sangguniang Panlalawigan dahil sa diumano’y talamak na kotongon sa Highway ng North Cotabato, partikular sa Kabacan noong nakaraang taon.
Para naman kay LTO Kabacan head district Andy Batocapal, binay-pass umano siya ng kanyang mga tauhan dahil di nito alam ang nasabing operasyon.
Bagama’t di nakasama si Batocapal sa mga hinuli, laking gulat naman nitong malaman na kasama ang pangalan nito sa mga kinasuhan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento