Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dengue Cases sa bayan ng Kabacan bumaba

Written by: Rhoderick BeƱez

Mas bumaba ang kaso ng Dengue sa bayan ng Kabacan noong nakaraang taon kumpara sa taong 2010.

Ito ang napag-alaman mula sa isang kalatas na ipinadala ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon sa DXVL FM kungsaan nakapagtala na lamang ng 65 kaso ng dengue noong nakaraang taon ang nasabing tanggapan kumpara sa 147 na kaso nito noong taong 2010.

Ayon pa kay Caballon, pinakamataas pa rin ang brgy Poblacion sa may pinakamaraming naitalang kaso ng nasabing sakit na umabot sa 30.

Ang nasabing resulta ay batay lamang sa mga data na kanilang nakalap sa mga ospital ng Kabacan:  Anulao St. Michael Medical Clinic and Hospital, Kabacan Medical Specialist, Inc; Kabacan Polymedic Cooperative Hospital at University of Southern Mindanao Hospital.

Ang mas mababang kaso ng dengue, ayon pa kay Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu, Jr. ay dahil sa kanilang patuloy na kampanya kontra sa pag-iwas ng nasabing sakit na dala ng lamok at paghimok sa mamamayan na maging malinis sa kapaligiran.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento