Written by: Ivy Jimenez
Naglatag ng long term plan at sulosyon sa mga problemang kinakailangang matugunan sa lalong madaling panahon ang mga collaborators ng Cotabato Agriculture and Resources Research and Development Consortium o CARRDEC sa ginawang pagpupulong kamakalawa January 17, 2012 sa USM Extension office, ito ay kaugnay ng mga plano at mga programang makapagpapalakas sa larangan ng agricultural research sa bahaging ito ng Mindanao.
Isa sa mga tinalakay ang pagpapaunlad ng mga Agricultural crops tulad ng mais, rubber, oil palm, mangga, saging at Goat Production Improvement at iba pa.
Inisa-isa din sa ginanap na pagpupulong ang mga kakulangan at mga problemang kanilang kinakaharap at kung papaano nila ito masusulusyonan katulad ng kakulangan sa post harvest facilities.
Ang pagpupulong na ito ay nilahukan ng mga senior researchers mula sa MSU Marawi, MSU GenSan, MSU Maguindanao, SKSU sa Sultan Kudarat, Central Mindanao Integrated Agricultural Research Center o CEMIARC, Cotabato Agriculture and Resources Research and Development Consortium at ng mga Full time researchers ng USM bilang bahagi ng kanilang layunin na mas mapaunlad at gawing sustainable ang mga agricultural projects dito sa Mindanao.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento