Written by: Karol Jane Geolingo
(Kabacan, North Cotabato/January 19, 2012) ---Magsasagawa ng Pregnancy Diagnosis, Estrus synchronization at Artificial insemination o (A.I) ang Philippine Carabao Center o PCC sa pangunguna ni Dr. Rafael Corpuz at A.I technician Erwin Janito.
Ang Artificial Insemination na ito ay isang paraan ng pagpapalahi sa kalabaw.
Ginagamit din ito para sa malawakang pagpapalahi sa ibang hayop sa buong mundo, kung saan isinasagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng semilya mula sa piling bulugan, sa uterus ng inahin o dumalagang kalabaw sa tulong ng ilang instrument.
Ang layunin nang paggamit ng A.I ay upang maparami ang mga gatasang hayop sa pamamagitan ng semilya mula sa magandang uring bulugan.
Ang programang ito ng Carabao Development Program at sa pakikipag-ugnay ng Philiipine Carabao Center na nakabase dito sa USM ay gagawin sa barangay ng Banawag at Bangilan sa susunod.
Sa brgy Bangilan ay gaganapin ito alas 8-10 habang 10-12 naman sa Banawag sa susunod na Martes.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento