Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 2 libung mga Day care Children isinailalim sa Supplemental Feeding Program sa Carmen, North Cotabato

Written by: Rhoderick BeƱez

(Carmen, North Cotabato/January 16, 2012) ---Patuloy pa ring isinasagawa ngayon sa bayan ng Carmen ang programang Supplemental Feeding para sa mga batang Day Care children sa lugar.

Ito ang napag-alaman mula kay Carmen MSWD Officer Elena Dapon kungsaan abot sa mahigit sa dalawang libung mga kabataan ang sumailalim sa nasabing programa sa nasabing bayan.

Ayon pa kay Dapon, ginagawa ang nasabing programa sa pamamagitan ng pagluluto  ng mga  gulay at iba’t-ibang mga masustansiyang pagkain sa tulong ng kanilang mga magulang upang maging malulusog at masisigla pa ang kanilang mga anak.

Sinabi pa ng opisyal na ang programang ito ay para sa buong Region 12 na kinabibilangan ng iba’t-ibang mga munisipalidad at isa na dito ang bayan ng Carmen.

Samantala, inihayag naman ni DSWD Assistant Regional Director Gemma Rivera na ang nasabing programa ay sinimulan pa nitong nakaraang taon na kinabibilangan ito ng 21,048 na mga bata sa 940 na day care center sa North Cotabato; 13,322 na bata sa 537 na day care center sa South Cotabato; at 13,613 na bata sa 580 na day care center sa Sultan Kudarat.
Dagdag pa ni Rivera, ipinatutupad ang SFP ng mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang nutrition and children’s welfare program at tinutulungan lang ng DSWD 12 sa pamamagitan ng karagdagang pondo para sa ulam ng mga bata. Tumutulong rin ang National Food Authority kung saan nanggaling ang bigas na ginagamit sa SFP. (with report from Lesly Grace Caballes)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento