Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2012 Scholarship program para sa mga poor but deserving students sa North cotabato; bukas na para sa mga aplikante

Written by: Karol Jane Geolingo

Ipinapaalam ng office of the governor ng Cotabato province ang 2012 scholarship program sa lahat ng mga gustong makapag-aral sa kolehiyo na bukas na ang kanilang scholarship grants hinggil dito.

Ito ang inihayag ngayon ni Nonito “Nonoy” Mazo, in-charge ng scholarship sa Cotabato Provincial Government, kung saan ang scholarship program na ito ay naglalayong matulungan ang mga estudyanteng hindi kayang paaralin nang mga magulang, dahil sa kulang ang pangsuportang pang pinansyal.

Nais din nang scholarship na ito na ipaabot ang financial assistance sa mga karapat-dapat na mga estudyante na makakuha ng vocational or bachelors degree.

At upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga pamilya ng mga kwalipikado at karapat-dapat mag-aral ng kolehiyo at upang magkaroon ng magandang trabaho pagdating ng araw.

Para sa mga interesado ng naturang scholarship kailangan nyong magpasa ng mga kinakailangang dokumento sa office of the governor hanggang ngayong a-trentay uno ng buwang ito na lamang at hanapin lamang si NonoyMazo.

Kung saan kailangan lamang magpasa ng application letter para kay Gov. Lala TAlino Mendoza, photocopy ng authenticated birth certificate, copy of income tax return, affidavit na nagpapatunay na kayo ay walang ibang scholarship, photocopy ng authenticated fourth year form 138 at certificate of good moral character na galing sa principal noong high school.

Kung sino man ang makakapasa ng mga kompletong dokumento ay agad na bibigyan ng qualifying written examination na gagawin sa Midsayap Pilot Elem. School para sa mga galing ng 1st district at sa provincial gymnasium Amas, Kidapawan City naman ang mga galing ng 2nd district, kung saan ito ay gagawin ngayong darating na Feb. 15, 2012, sa ganap na alas nwebe ng umaga. At kung sino mang ang kwalipikadong kukuha ng pagsusulit ay kailangang magdala ng high school I.D.

Ang pagpili ng mga benepisyari ng naturang scholarship ay basi sa ranking ng bawat aplikante, tulad ng income 30%, Grade 30%, written exam 30% at interview 10%.

Ang mga scholarship committee naman ang bahala sa pag-iinterview ng mga aplikante.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento