Written by: Rhoderick Beñez
150 megawatts Deficiency ang dahilan kung bakit nagkakaroon at nakakaranas tayo ng Load Curtailment o power interruption sa supply ng kuryente sa mga service erya ng Cotelco, partikular na sa Kabacan.
Ito ang sinabi sa DXVL –Radyo ng Bayan ni Cotabato Electric Cooperative Spokesperson Vincent Lore Baguio, na ang problema sa generating plant ang dahilan ng mga manaka-nakang pag brown out sa mga electric cooperative at mga private utility sa buong Mindanao.
Hindi lamang sa bayan ng Kabacan nakakaranas ng tig-tatlumpung minutong power interruption, ayon kay Baguio kundi maging sa buong erya na sinasakupan nila.
Anya, patuloy paring umaakyat ang Load Demand dito sa buong rehiyon ng Mindanao, subalit walang sapat na suplay ang generating plant para mapunuan ito.
Kaugnay nito may sinusunod di umano na matrix na binigay naman ng MPC at PSALM na kung saan ang naturang 150 megawatts na deficiency ay mahahati sa lahat ng Electric Cooperative sa buong Mindanao.
Sa madaling salita ang buong Mindanao ay makakaranas ng power shortage. Dahilan umano kung bakit nakakaranas din tayo ng Fluctuation ay dahil sa Base Load at Pick Load na ginagawa. Dagdag pa, na trienta minutos ang mararanasan ng kada feeder na brownout sa buong area of responsibility ng Cotelco.
Kung kalian matatapos ang load curtailment na ito, di pa mabatid ng kanilang tanggapan, una rito gumagawa na ngayon ng hakbang ang pamunuan ng cotelco kung papaanu magamit ang karagdagang 25% na enerhiya buhat sa geothermal Power Plant bilang host province ang cooperative sa nasabing enerhiya batay sa napagkasunduan ng DOE Act of 1992.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento