Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sekyu ng USM, binarail; patay!

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/January 17, 2012) ----Dead on arrival sa ospital ang isang security guard ng University of southern Mindanao makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang salarin alas 7:45 kaninang umaga sa National Highway, partikular sa wishbone cafƩ.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Edsarafel Limbak, nasa tamang edad, sekyu ng USM at residente ng Kilada, MAtalam, Cotabato na nagtamo ng sugat sa tagiliran na mabilis pang isinugod sa USM Hospital subalit binawian na rin ito ng buhay.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulisya, possible umanong .45 na pistol ang ginamit sa pamamaril batay sa mga empty shell na narekober sa crime scene.

Galing pa sa kanyang duty ang nasabing sekyu ng kumain lamang sa Wishbone sakay naman umano sa isang motorsiklo ang mga salarin matapos maisakatuparan ang masamang balakin.

Sa ngayon patuloy pang inaalam ang motibo ng nasabing pamamaril.

Inatasan na rin ni Kabacan Mayor George Tan ang mga pulisya na magsagawa ng hot pursuit operation para sa ikadarakip ng suspetsado.

Ito ang unang kaso ng shooting incident na naitala sa bayan.  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento