KABACAN, North Cotabato/January 19, 2012) --- KAHIT MALAKAS ang buhos ng ulan, tuloy ang march rally ng mga progresibo at militanteng Kabataan para pangunahanan ang unang araw ng selebrasyon ng National Youth Week sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.
courtesy from: CEGP |
Tema ng pagdiriwang ng National Youth Week ngayong taon ang, “Youth Unite; Heed the call of our time, Struggle for genuine democracy and freedom”.
angunahing isyu sa tinalakay sa rally ang tumataas na bayarin sa eskwela, ang malawakang kahirapan sa bansa, ang sigaw na dagdag na sahod ng mga manggawa, extra-judicial killing, at iba pang mga isyu na may kinalaman sa karapatan ng kabataan at kababaihan.
Bahagi ng mass action ng mga progresibong Kabataan ang pag-planking nila sa highway ng USM Avenue sa Kabacan.
Bago ito, nag-room-to-room campaign ang mga estudyante, sa pangunguna ni Darwin Rey Morante ng Anakbayan, para hikayatin ang iba na makilahok sa kanilang kilos-protesta.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento