Written by: Rhoderick Beñez
(Kabacan, North Cotabato/January 16, 2012) ---Hindi umano sumasang-ayon ang ilang mga law students sa gagawing paglilitis kay chief Justice Corona, ito ayon sa nalikom na opinion ni USM Behavioral Science and Philosophy chairman Marcos Monderin at nagtuturo din sa isang law school sa Digos city.
Pero para kay Monderin, dapat umanong umusad ang impeachment complaint laban kay Corona upang malaman talaga kung nagkasala ang punong mahistrado sa taong bayan.
Dagdag pa nito na kaya nga tinawag na trial dahil sa di pa naman napatunayan na nagkasala ang Chief Justice, at ito rin ang paraan para malinis ni Corona ang pangalan nito.
Para naman kay Philippine Information Agency 12 Regional Director Olivia Sudaria, kinatigan rin nito ang pagsusulong ng impeachment trial kay Corona na magsisimula na ngayong araw, dahil dito ipinapakita na kahit paman ang chief justice ay pang-limang pinakamataas na opisyal ng bansa ay walang sinasanto ang batas.
Dagdag pa ni Sudaria na tama lamang na ipursige ang nasabing paglilitis dahil dadaan naman ito sa due process na siya ring trabaho ng mga mahistrado.
Tinawag pa ng opisyal na “awakening” para sa lahat dahil kapag nagkasala sa batas kahit pa man nasa puder ng gobyerno ay walang malilibre.
Samantala sa hanay naman ng mga Kabataan ang nasabing isyu para kay Kabacan ANAKBAYAN Spokesperson Darwin Rey Morante usapin umano ito ng tunggalian ng dalawang panig lalo ng mga ilitistang nag-iiringan sa kapangyarihan.
Para sa mga militanteng grupo ng Kabataan nais nila ang totoong repormang pang-agraryo.
Samantala, ayon sa tagapagsalita ng impeachment court, handang-handa na sila sa impeachment trial ngayong araw.
w0w galing....the best ka 2l
TumugonBurahin