Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/January 20, 2012) ---Abot sa limang libung board feet na mga illegal na troso ang nakumpiska ng mga elemento ng Kabacan PNP sa highway inspection nila na nasa Osias detachment alas 9:00 kamakalawa ng gabi.
Ang mga pinaniniwalaang illegal na kahoy ay lulan ng isang Izuzu forward Truck na may plate number MVY-953 na minamaneho ni Ramil Cabiles Enpuesto, 31, may asawa at residente ng Labangal, General Santos city.
Ang nasabing mga kahoy ay mga Mangga at Acacia lumber na pag-mamay-ari ng isang Ulangan Masukat, 59-anyos, may asawa at residente ng Nabundas, Pikit.
Kasama din sa mga hinuli ay ang mga laborer na sina: Maguid Juahab, 44, residente ng Pikit at Jerry Yubak, 17 at residente ng General Santos city.
Nang siyasatin ng mga otoridad, hindi tumugma ang papeles na kanilang nakuha mula sa DENR-Midsayap, dahil ang inaprubahan lamang ng DENR-CENRO ay ang mga produkto ng Centenial Mango Lumber at hindi kasali ang mga Acacia.
Ang mga nakumpiskang mga kahoy ay agad na tinurn-over sa CENRO-DENR Midsayap sa pamamagitan ni Forester Amor Baniaga para sa imbestigasyon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento