Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Handog Tsinelas Program ni Gov.Lala, naging matagumapay sa iba’t-ibang parte ng Cotabato

Written by: Suzanette Granfil

(Kabacan, North Cotabato/January 18, 2012) ---Libu-libong mga bata sa  iba’t-ibang bahagi ng Cotabato ang nakatanggap ng Pares ng Tsinelas mula sa “Handog Tsinelas” Program ni Governor Lala Taliño-Mendoza.

Mahigit sa dalawang libung mga estyudyante sa Poblasyon ng Carmen ang nakatanggap ng late Christmas na handog ng gobernadora sa mga kabataan.

Nakapamigay ng 2,191 na pares ng tsinelas sa mga 798 na mga batang mag-aaral ng Northwest Elementary School, 1393 naman sa Carmen Central Elementary School, Ayon sa Provincial Government.

Ang layunin ng naturang programa ay upang makabigay ligaya sa mga bata, maging sa resedente ng mga naturang lugar.

Habang sa bayan naman ng Antipas ay nakapamahagi din ang provincial government ng  261 na mga pares ng tsinelas kaugnay din nito ay namigay din sila ng mga gamot sa mga 258 na mga Senior Citizens doon.

Ayon pa sa ahensya, na marami pa daw umanong mga batang makakatanggap ng mga pares ng tsinelas sa susunod na pagbisita ng gobernadora sa mga iba’t-ibang baranggay sa probinsya sa tulong narin ng mga Private Sectors. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento