Written by: Ruel Villanueva
Isinagawa kamakailan ang pamamahagi ng calamity seeds assistance o ang pamimigay ng mga binhi ng palay sa mga magsasaka na sinalanta ng mga nakaraang pagbaha sa lalawigan. Ito ay ipinatupad ng Department of Agriculture Regional Field Office 12 sa tanggapan ng CEMIARC sa Amas, Kidapawan City.
Naganap ang pamamahagi ng binhi ng palay sa pangunguna ni Director Amalia J. Datukan ng DA RFO 12 sa pakikipagtulungan ng Office of the Provincial Agriculturist sa lalawigan na pinamumunuan ni OIC Provincial Agriculturist Eliseo M. Mangliwan. Sinaksihan din ito ng Agricultural Program Coordinating Officer Esmael Intao ng DA RFO 12, Dr. Teodora S.
Casipe, mga kinatawan ng DA at mga magsasaka bilang representante ng bawat recipient municipalities sa ceremonial turn-over.
May kabuuang 594 bags ng certified rice seeds ang ipinamahagi sa mga apektadong bayan ng lalawigan na kinabibilangan ng mga sumusunod: Carmen – 300 bags; Kabacan – 257 bags, Pikit – 25 bags at Mlang -12 bags.
Ang mga low-lying areas na ito ang labis na naapektuhan ng pagbaha na nasa tabi ng Pulangi river. Kaugnay nito, namigay din ng zinc phosphide ang DA RFO 12 bilang pangontrol ng daga, 5kgs para sa Kabacan at 4kgs para sa Mlang.
Layunin nitong maiwasan ang pinsalang maaaring idulot ng daga sa mga Palayan sa nabanggit na bayan.
Ang calamity seeds assistance ay bahagi ng patuloy na kampanya ng Department of Agriculture para sa food sufficiency.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento